Paraan ng pagkakaalis sa drug list, kinwestyon ni Justice Leonen

By Kabie Aenlle November 29, 2017 - 02:58 AM

Kinwestyon ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang paraan o proseso kung paano maiaalis ang pangalan ng isang tao sa listahan ng mga drug suspects na hawak ng pamahalaan.

Sa oral arguments ng Korte Suprema kahapon, nagisa ni Leonen si Solicitor General Jose Calida dahil bagaman malinaw na nakasaad sa Project Double Barrel ng Philippine National Police (PNP) kung paano naisasama ang pangalan ng isang tao sa drug list, wala namang nababanggit dito kung paano ito maiaalis.

Paliwanag ni Calida, napag-alaman niya na maaring kumuha ng clearance ang isang person of interest na nakalagay sa drug list ng gobyerno, at maibibigay ito sa kaniya kung mapatunayang pagkakamali lang ang pagkakasama niya dito.

Maari aniyang lumapit ang person of interest sa police station para sa clearance.

Gayunman, tinanong ni Leonen kung nakalagay din ba ito sa Command Memorandum Circular (CMC) 16-2016 ng PNP, o nasa diskresyon na lamang ng mga pulis dahil wala naman siyang makitang proseso sa dokumento.

Nanindigan naman si Calida na walang nalalabag sa due process dahil wala pa namang nakakasuhan sa mga pangalang nailalagay sa listahan.

Dahil dito, pinaalalahanan na lamang ni Leonen si Calida na tiyaking paiiralin pa rin ang presumption of innocence sa mga sitwasyong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.