14 na miyembro ng NPA, napatay sa Nasugbu

By Justinne Punsalang November 29, 2017 - 02:55 AM

Labingapat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ang mga tropa ng pamahalaan sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa militar, limang miyembro ng rebeldeng grupo ang napatay, habang dalawa ang sugatan sa Sitio Pinamuntasan sa Barangay Aga.

Siyam naman na miyembro ng NPA ang napatay sa isa pang engkwentro sa Sitio Batulao sa Barangay Kaylaway.

Dalawa mula sa panig ng pamahalaan ang sugatan matapos ang dalawang sagupaan na nagresulta sa pagkakarekober ng 7 high-powered na mga armas at abala.

Ayon sa mga otoridad, rumespunde ang 730th Combat Group ng Air Force at Nasugbu Municipal Police sa dalawang lugar matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong mga armadong kalalakihan dito.

Pagdating ng mga tropa ng gobyerno ay agad silang pinaputukan ng rebeldeng grupo kaya napilitang gumanti ng putok ang militar at pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.