MPD, nanindigang tama ang kanilang ginawa sa pagkasawi ng 3 drug suspects sa Tondo
Dumepensa ang Manila Police District kaugnay sa pagkasawi ng tatlong drug personalities sa operasyon ng pulisya sa Tondo, Manila na inulat ng Reuters.
Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, armado at mapanganib ang mga naturang suspek.
Nanindigan si Coronel na sinunod nila ang mga patakaran sa police operating procedures sa operasyong kanilang isinagawa kasama ang mga opisyal ng barangay.
Aniya, ikinukunsidera nilang “high risk” ang tatlong suspek na nilalagay sa panganib hindi lamang ang mga sibilyan, kundi maging mga pulis.
Pinabulaanan din ni Coronel na isa itong kaso ng summary execution.
Kamakailan ay inilabas ng Reuters ang ulat tungkol sa umano’y maanomalyang operasyon na nakuhanan ng CCTV footage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.