Senado tuloy ang paghahanap ng solusyon sa trapiko

By Ruel Perez November 28, 2017 - 04:35 PM

Inquirer file photo

Ginagawan umano ng paraan ng Senado na maipasa sa lalong madaling panahon ang traffic crisis bill na naglalayong maibsan ang problema ng trapiko sa bansa.

Ayon kay Sen. Grace Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Service, taliwas sa umanoy naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa second reading na umano ang panukala at malapit ng matapos sa interpellation.

Sa panayam, iginiit ni Roque na hinihintay na lamang na maipasa ang panukala sa Senado para maging batas pero lumalabas ayon kay Poe na hindi pa ito naisalang sa ikalawang pagbasa sa kamara.

Paliwanag ni Poe, kahit na hindi pa ito na certify as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpapatuloy umano ang pagsasagawa ng Senado ng pagdinig at interpellation sa panukalang emergency power para sa pangulo.

TAGS: duterte, emergency power, grace poe, trapik, duterte, emergency power, grace poe, trapik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.