Malacañang pasok sa imbestigasyon sa napatay na drug suspects sa Maynila

By Chona Yu November 28, 2017 - 03:20 PM

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang naging operasyon ng Manila Police District kung saan tatlong hinihinalang drug personalities ang nanlaban at napatay sa police operation sa Tondo, Maynila noong October 11.

Ayon sa ulat ng Reuters, naninindigan ang mga tauhan ng MPD na nanlaban umano ang mga suspek kung kaya sila napatay.

Pero sa kuha ng CCTV, makikita sa video na wala namang armas ang tatlong napatay na mga suspek.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kinukunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng brutality o pang-aabuso ng mga pulis.

Sumailalim na aniya sa beripikasyon ng Malacañang ang mga kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng pagpatay.

Sa ngayon, hindi pa matiyak ni Roque kung aatasan ni Pangulong Duterte ang ibang ahensya ng gobyerno na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Hindi rin matukoy ni Roque kung magkakaroon ng bearing o ikukunsidera ng pangulong ang insidente sa Maynila para muling ibalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs.

TAGS: duterte, manila, PNP, reuters, Roque, War on drugs, duterte, manila, PNP, reuters, Roque, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.