May mga Pinoy na naapektuhan ng data breach sa Uber ayon sa National Privacy Commission

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2017 - 01:12 PM

Kinumpirma ng National Privacy Commission (NPC) na may personal data ng mga Pinoy na nadamay nang mapasok ng hacker ang sistema ng ride-sharing service na Uber.

Una nang sinabi ng Uber na ang data breach na naganap noong October 2016 ay naka-apekto sa personal information ng 57 milyong users nila.

Dahil sa nasabing balita, hiniling ng NPC sa Uber na magsumite sa ng detalye hinggilsa insidente.

Ayon kay NPC chairman Raymund Liboro, sa liham ng Uber, kinumpirma na kasama sa naapektuhan ng data breach ay ang personal information ng mga Pinoy.

Gayunman, hindi umano nakasaad sa liham ng Uber kung ano-anong impormasyon ang nalantad. Kabilang kasi sa mga personal information na ibinibigay ng mga user ng Uber ay trip details, credit card numbers, bank details, drivers license details at dates of birth.

“Uber confirmed to us that personal information of Filipinos were exposed in the data breach,” ayon kay Liboro.

Sa pahayag ng Uber, ang mga nakompromisong data ay kinabibilangan ngpangalan at lisensya ng nasa 600,000 na drivers nila sa Estados Unidos at personal information ng 57 milyong Uber users sa buong mundo.

Nakikipag-ugnayan na ang NPC sa mga otoridad sa US at Australia sa isinasagawang imbestigasyon.

 

 

 

 

 

TAGS: data breach, hacking, Uber, data breach, hacking, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.