Sen. Tito Sotto, inireklamo ng libelo ang blogger ng ‘Silent No More PH’

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2017 - 12:02 PM

Inquirer Photo | Dexter Cabalza

Nagsampa ng reklamong libelo si Senator Tito Sotto laban sa blogger na nasa likod ng blog na “Silent No More PH”.

Cyber-libel ang inihain ng senador laban kay Edward Angelo “Cocoy” Dayao sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ani Sotto, ito ay makaraang pangalanan siya sa isa sa mga artikulo na lumabas sa naturang blog site.

Si Sotto ay kabilang sa mga senador na binanggit sa “Silent No More PH” na hindi umano lumagda sa resolusyon ng senado na kumokondena sa pagpatay sa mga menor de edad.

Inilarawan pa si Sotto at anim na iba pang senador bilang “lapdogs” ng Malakanyang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cocoy Dayao, cyber libel, pasay city prosecutor's office, Silent No More PH, Vicente Sotto III, Cocoy Dayao, cyber libel, pasay city prosecutor's office, Silent No More PH, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.