Dating aktor, 10 iba pa arestado sa ‘sex and drugs party’ sa Taguig

By Justinne Punsalang November 28, 2017 - 02:12 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Kalaboso ang labing isang katao, kabilang ang isang dating aktor sa ikinasang drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang primary suspek sa pagtutulak ng iba’t ibang uri ng iligal na droga na si Edmond Remegio at Malik Coronel na isang model-actor.

Kasama sa naaresto sina Carlo Kasala, isang doktor; Manuel Valdez, insurance agent; Jake Tolentino, insurance claim professor; Jose Carlo Torres, engineer; Mario Aclan, makeup artist; Angelo Padasas, office staff; Jevel Ucero, isang estudyante; Legui Brylle Gonzales, account manager; at Bryan Dizon, software developer.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, naaresto ang mga suspek sa loob ng isang 5-star hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Aniya, nasa kalagitnaan umano ang mga ito ng sex party.

Nakumpiska ng mga otoridad ang 20 tableta ng ecstacy, 8.6 gramo ng shabu, at 12 bote ng gamma biyutayrolactone o GBL na mas kilala sa tawag na liquid ecstacy.

Ito ay may estimated street value na ₱383,000.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na may karelasyon si Remigio na nakabase sa Thailand na posibleng supplier nito ng liquid ecstacy.

Ani Aquino, madaling nakakapasok sa mga paliparan ang liquid ecstacy dahil mistulang tubig lamang ito.

Ayon naman sa mga suspek, hindi nila inakalang mahuhuli sila dahil naka-check in naman sila sa isang 5-star hotel.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PDEA para malaman kung sino ang mga parokyano at supplier ni Remegio.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.