Humiling si Robredo ng tatlong linggo pa bago magpasya na maging running mate ni Roxas
Humiling si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ng tatlong lingo pa kay dating DILG Secretary Mar Roxas para makapaag-pasya sa kung tatakbo nga siyang bise-presidente sa ticket ng Liberal Party sa darating na eleksiyon.
Sa panayam ng Inquirer kay Robredo sinabi niyo na “pinag-iisipan ko na ang alok sa akin na maging running mate ni Mar”.
Nauna rito, nagpahayag si Robredo na atubili siyang tumakbong para sa posisyon ng pangalawang pangulo dahil sa tutol ang kanyang mga anak na sina Jessica Marie, 27-taong gulang, Janine Patricia, 21 taong gulang at Jillian Therese, 15 taong gulang.
Bukod dito ani Robredo ay wala siyang sapat na resources para sa mangampanya sa buong bansa. Mas nais niyang tumakbong muli bilang kinatawan ng kanyang distrito. Si Robredo ay isang abogado at ang kanyang panalo bilang kongresista noong 2013 sa Camarines Sur ay bumasag sa paghahari ng angkan ng mga Villafuerte sa iba’t ibang elected positions sa naturang lalawigan.
Kung hindi naman re-election ay sa o Senado ang sinisipat sana ni Robredo na kasunod na pasukan bilang halal na opisyal.
Ngunit matapos nilang magka-usap ng masinsinan ni Roxas kahapon sa Naga, sinabi ni Robredo na binubuksan na niya ang kanyang isip na maging running mate ni Roxas.
Sina Roxas ay nagtungo sa Naga City para pangunahan ang panunumpa ng may 1,500 party members ng LP .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.