Argentinian, arestado matapos magwala sa Boracay
Arestado ang isang dayuhang turista sa Malay, Aklan matapos niyang saktan ang dalawang empleyado ng isang bar sa Boracay Island.
Ayon sa mga pulis, ang Argentinian na si Agustion Eliseo Grande ay hinihinalang lasing nang saktan nito ang mga empleyadong sina Ronald Coching at Eric Venus na pawang mga nagtatrabaho sa Epic Bar sa Barangay Balabag.
Nanggugulo umano si Grande sa ibang mga customers nang dumating ito sa bar, ngunit nang subukan nilang awatin ang dayuhan, binato niya ng baso si Coching na tumama sa noo nito, habang sinabak naman niya sa mukha si Venus.
Nagkasundo na lamang ang magkabilang panig na mag-areglo, pero nananatili pa ring nakakulong sa ngayon si Grande.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.