Pagbabalik ng drug war sa PNP, hindi pa pinal ayon kay Roque

By Justinne Punsalang November 27, 2017 - 01:08 AM

 

Hindi pa pinal ang posibilidad na ibalik sa Philippine National Police (PNP) ang pamumuno sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ng pangulo na ibabalik niya ang PNP sa drug war kung lalala ang problema ng bansa sa iligal na droga.

Ani Roque, nang makasama niya si Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ng gabi para makipagkita sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, inamin umano sa kanya ng pangulo na hindi pa pinal ang kanyang desisyon ukol dito.

Ayon umano sa pangulo, pinag-iisipan pa nito nang maigi kung ano na ang dapat gawin.

Paninigurado naman ni Roque, magkikita silang muli ng pangulo bukas at malaki aniya ang tiyansa na mapag-usapan nila ang mangyayari sa problema ng bansa sa iligal na droga.

Kapwa naman tinanggap ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang posibilidad na mag-iba ang pamumuno at muling ibalik sa kapulisan ang drug war.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.