Panibagong kasong libelo isinampa ni VP Binay laban kay dating Vice Mayor Ernesto Mercado

By Marilyn Montaño September 18, 2015 - 07:22 PM

Binay dot netNagsampa si Vice President Jejomar Binay ng isa pang kasong libelo laban kay dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado dahil sa akusasyon na pangingikil ng condominium units mula sa mga developers sa lungsod.

Inihain ni Binay ang kanyang reklamo sa Makati City Prosecutor’s Office.

Ayon sa abogado ni Binay na si Claro Certeza, itinanggi mismo ng mga developers ang alegasyon na aniya ay patunay na sinungaling si Mercado at wala itong kredibilidad.

Sa pagdinig ng senate blue ribbon subcommittee, sinabi ni Mercado na tumanggap si Binay ng 60 hanggang 70 percent ng condominium buildings sa Makati City noong ito ang mayor sa loob ng dalawang dekada.

Sinabi ni Mercado na si Binay ay mayroong 150-square meter unit sa The Peak Condominium na nakapangalan kay Engineer Ariel Olivar na surveyor ng tinaguriang Hacienda Binay sa Rosario, Batangas.

Nakasaad sa bagong libel case ni Binay na inamin mismo ni Olivar na ang dating Vice Mayor ang nagtanong kung pwedeng gamitin ang kanyang pangalan na registered owner ng condo unit.

Dagdag ng kampo ni Binay, ang unit na nakapangalan kay Olivar ay ang parehong unit kung saan natagpuang patay ang dating live-in partner ni Mercado na si Racquel Ambrosio noong 2002.

Iginiit ni Binay na isa si Mercado sa sumisira sa kanyang reputasyon para umatras siya sa 2016 presidential election. “The damaging and ruinous claims spewed out by respondent mercado are mere concoctions and fabrications with no other purpose than to malign, discredit, ruing my reputation and besmirch my good name as well as that of my family,” ani Binay.

May una ng libel case si Binay laban kay Mercado kaugnay naman ng Boy Scouts-Alphaland deal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.