Militar, kinumpirmang ubos na ang Maute stragglers sa Marawi City
Wala nang natitirang Maute stragglers sa Marawi City.
Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines kasabay ng nagpapatuloy na clearing operations na isinasagawa ng lungsod.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., Task Force Ranao deputy commander, aabot sa 77 na baril ang narekober ng militar simula nang itigil ang combat operations noong October 23.
Aniya, target ng militar na tapusin hanggang April 2018 ang clearing operations sa Marawi.
Kamakailan ay sinabi ni Brawner na sa mga nakaraang araw ay wala pang nakakaengkwentro ang tropa ng pamahalaan na Maute stragglers.
Sa ngayon aniya ay nasa 24 na barangay pa sa loob ng main battle area ang hindi pa naisasailalim sa clearing operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.