Motorcycle rider, patay matapos magulungan ng 10-wheeler truck sa Camarines Sur

By Mariel Cruz November 26, 2017 - 04:19 PM

Agad na binawian ng buhay ang isang 26 years old na electrician matapos magulungan ng isang 10-wheeler truck sa Barangay Cagmanaba, bayan ng Ocampo sa Camarines Sur.

Batay sa ulat, kinilala ang biktima na si Jayson Cerdan.

Nakasakay si Cerdan kasama ang isang angkas na si Argie Pablico sa isang motorsiklo nang masagasaan ng truck.

Kritikal ngayon sa isang ospital si Pablico na tumilapon mula sa kanilang motorsiklo nang maganap ang insidente.

Ayon sa pulisya, binabagtas ng mga biktima ang bahagi ng Barangay Cagmanaba nang biglang sumulpot ang isa pang motorsiklo na biglang tumigil sa gitna ng kalsada.

Hindi na umano naiwasan ni Cerdan ang nasabing motorsiklo kung saan sumabit siya dito at tumilapon sa kabilang lane.

Sakto naman na padaan ang 10-wheeler truck kung kaya’t nagulungan ang ulo ni Cerdan.

Agad naman na sumuko sa driver ng truck pero lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na wala itong kasalanan dahil ang rider ng motorsiklo ang sumalpok sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.