National Parents Day, isinusulong sa Kongreso
Isinusulong ngayon sa Kamara ng isang kongresista ang pagkakaroon ng National Parents Day.
Ayon kay House committee on Metro Manila development chairman at Quezon City Representative Winston Castelo, ilan sa mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon ay hindi na nirerespeto ang kanilang mga magulang. Habang aniya, ang iba naman ay hindi na sumunod sa mga sinasabi ng kanilang mga magulang.
Kaya naman ihinain ni Castelo ang House Bill 6258 o National Parents’ Month Act kung saan gugunitain ang mga magulang sa buong buwan ng Enero.
Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ng mga programa sa loob ng isang buwang pagdiriwang kung saan ipapaala sa lahat ang tila nakakalimutan nang paggalang at pagpapapuri sa mga magulang.
Ani Castelo, sa pamamagitan nito ay magugunita ng mga kabataan ang kanilang ‘moral duty’ na irespeto ang kanilang mga magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.