CJ Sereno, pwedeng ipaaresto ng Kamara

By Ricky Brozas November 26, 2017 - 12:42 PM

May kapangyarihan umano ang House Justice Committee na ipaaresto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa impeachment complaint na isinampa laban sa kanya.

Ito ang sinabi ng chairman ng komite na si Representative Reynaldo Umali.

Hindi rin aniya nangangailangan ng pagsang-ayon ni Speaker Pantaleon Alvarez sakaling ipag-utos ng panel ang pag-aresto sa punong mahistrado.

Si Sereno ay tumangging humarap sa komite para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya sa reklamong impeachment na ngayon ay pinagdedebatehan ng House panel kung may sapat na batayan.

Sinabi naman ng isa sa mga tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz na dapat ikonsidera ng komite ni Umali ang prinsipyo ng separation of powers ng tatlong sangay ng gobyerno.

Pero ipinunto ni Umali na si Sereno ay ang respondent o inaakusahan sa impeachment case.

Sinagot naman ito ni Cruz sa pagsasabing si Sereno pa rin ang Punong Mahistrado kahit pa siya ay inaakusahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.