DOE, iimbestigahan ang sunog sa isang gas station sa Mandaluyong
Naglunsad na ng imbestigasyon ang Department of Energy (DOE) patungkol sa sunog na tumupok sa isang gas station sa Barangay Wack-wack sa Mandaluyong City noong Biyernes ng hapon.
Ayon sa DOE, agad silang nagpadala ng technical team sa naturang gas station matapos matanggap ang mga ulat tungkol sa sunog.
Batay sa naging resulta ng inisyal na imbestigasyon ng kanilang technical team ay iminungkahi ang pagbawi sa certificate of compliance ng gas station. Anila, ito na rin ay para sa proteksyon ng publiko.
Maibabalik lamang ang COC ng gas station kung makukumpleto nito ang mga requirements ng Retail Rules ng DOE.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog matapos mabangga ng isang backhoe sa kalapit a construction site ang isang ‘condmned’ na LPG tank.
Ngunit wala pang inilalabas na pinal na report ang DOE tungkol sa naturang insidente.
Tatlo ang sugatan dahil sa sunog habang totally burned naman ang isang motor at partially burned naman ang isang pribado sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.