Gilas Pilipinas, diretso ensayo matapos umuwi galing Japan

By Rhommel Balasbas November 26, 2017 - 03:19 AM

Hindi pa man lubhang nakakapagpahinga matapos ang kanilang laban sa Japan para sa FIBA World Cup Asian qualifiers, ay diretso ensayo nang muli ang Gilas Pilipinas.

Balik Maynila na ang koponan wala pang 24 oras ng manalo kontra Japan upang magsanay para sa kanilang susunod na laban.

Wagi ang Gilas sa iskor na 77-71 sa pamumuno ni Jayson Castro na nagtala ng 20 puntos.

Ang pag-eensayo ng koponan ay ibinahagi mismo ni Gilas head coach Chot Reyes sa serye ng kanyang mga posts sa Instagram.

Nakatakdang makalaban ng Gilas ang Chinese-Taipei bukas, araw ng Lunes sa Araneta Coliseum.

Susubukan ng koponan na maitala ang kanilang ikalawang panalo para sa World Cup.

TAGS: Chinese-Taipei, Coach Chot Reyes, Gilas Pilipinas, Japan, Chinese-Taipei, Coach Chot Reyes, Gilas Pilipinas, Japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.