Duterte, tinawag na sinungaling ni Sison
Tinawag ni Communist Party of the Philippines founding chair Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na sinungaling.
Ito ang patungkol ni sison matapos sabihin ng pangulo na hindi ito bubuo ng coalition government sa mga komunista kasunod ng termination ng peace talks sa National Democratic Front.
Sa kanyang pinakahuling patutsada kay Duterte, itinanggi ni Sison ang pahayag ng pangulo na hindi makikipag-alyansa ang gobyerno sa komunistang grupo.
Ayon kay Sison, 2014 pa ay isinusulong na ni Duterte ang koalisyon ng pamahalaan sa CPP noong ito ay mayor pa ng Davao city.
Nais aniya ni Duterte na makipag-alyansa sa CPP at Moro National Liberation Front sakaling mahalal itong pangulo.
Sa talumpati ng pangulo noong araw ng biyernes, sinabi nito na tila nagiging coalition government na ang kinalalabasan ng usapang pangkapayapaan sa mga rebelde.
Dagdag ni sison, nadadala na ang pangulo ng pagiging pasistang diktador nito sa pamamagitan ng charter change sa ilalaim ng anyay mapag-panggap na federal system of government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.