Kampo ni Sereno, posibleng idulog sa SC ang kanyang impeachment case

By Rohanisa Abbas November 25, 2017 - 04:40 PM

Ikinukunsidera ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na i-akyat sa Korte Suprema ang kanyang impeachment case makaraang pagbawalan ng House Justice Committee na ma-cross-examine ang mga testigo laban sa kanya.

Ayon sa tagapagsalita at abogado ni Sereno na si Joshua Santiago, ito ang kanilang magiging “last recourse” kapag nagawa na nila ang lahat ng posibleng hakbang kaugnay nito.

Aniya, kapag hindi na nakabatay sa batas ang mga hakbang ng komite, idudulog na nila ito sa Korte Suprema.

Ayon sa kampo ni Sereno, kapag nangyari ito, kukwestyunin nila ang alegasyon ng paglabag sa “fundamental” at “elementary” rights to counsel.

Sinabi ni Santiago na nakabatay ang kanilang susunod na hakbang sa mga mangyayari sa susunod na linggo.

Nakatakda ang susunod na pagdinig ng House justice committee sa impeachment case laban kay Sereno sa Lunes.

TAGS: chief justice maria lourdes sereno, Sereno impeachment, Supreme Court, chief justice maria lourdes sereno, Sereno impeachment, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.