Pagkakadawit sa right of way scam, pinabulaanan ni dating Sec. Abad

By Alvin Barcelona November 25, 2017 - 04:54 AM

Naghugas kamay si dating Budget Sec. Butch Abad sa P8.7 bilyong halaga ng right of way scam sa General Santos City na kinasasangkutan umano niya ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sa isang pahayag, sinabi ni Abad na baseless at pawang kasinungalingan ang nasabing bintang.

Iginiit ni Abad na kailanman ay hindi siya nasangkot, pati na ang Department of Budget and Management (DBM), sa nasabing transaksyon.

Sinabi ni Abad na kung mayroon mang maaaring makapagbigay linaw dito, ito ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na isinasangkot din sa anomalya.

Hindi na rin aniya bago ang nabanggit na isyu dahil ang pagkaka-alam niya ay mayroon nang nakabinbin na kaso tungkol dito sa Ombudsman.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na natuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) na may sindikatong nagsumite ng mga pekeng titulo ng lupa na nakapangalan sa mga pekeng tao sa layuning makakuha kompensasyon sa DPWH.

Sa record ng NBI, mula 2009 ay nakapagproseso ang mga miyembro ng sindikato ng mahigit 300 folders na naglalaman ng pekeng road-right-of-way na tinatayang umaabot sa P8.7 bilyon.

Ayon sa DOJ, posibleng may pananagutan dito sina dating Public Works Sec. Rogelio Singson na nag-apruba at nag-release ng bayad para sa claim sa pekeng road-right-of-way at si dating Budget Sec. Abad.

Samantala, ayaw muna magbigay ng komento ni Singson dahil gusto muna nitong malaman kung tungkol saan ang akusasyon laban sa kanya ni Sec. Aguirre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.