P160M halaga ng smuggled na mga produkto nakumpiska ng BOC sa Cebu
Aabot sa P160 million na halaga ng smuggled na mga produkto mula sa tatlong magkakaibang bansa ang nakumpiska n g Bureau of Customs (BOC) sa Cebu City.
Kabilang sa nasabat ang luxury vehicles, agricultural products at mga tiles na inilagay sa loob ng 160 containers at pawang galing sa China, United States, at Japan.
Nagtungo sa Cebu si Customs Commissioner Isidro Lapeña para personal na mainspeksyon ang mga nasabat na kontrabando.
Sampu sa mga container ay naglalaman ng high-end na Sports Utility Vehicles (SUVs) mula sa Japan at sa US.
Ang mga agricultural products naman ay inilagay sa 70 containers habang ang mga tiles ay nasa loob ng 80 containers.
Pawang undervalue o hindi idineklara ang totoong halaga ng mga SUV at tiles habang misdeclared naman ang agricultural products.
Sa dokumento ng mga sasakyan, nakasaad na ang halaga lang nito ay P1.5 million bawat isa gayong ayon sa BOC, aabot sa P4 million bawat isa ang presyo nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.