Hanging Amihan, lumakas pa, mararamdaman sa Metro Manila ngayon at bukas
Lumakas ang pag-iral ng hanging Amihan at ayon sa PAGASA, maliban sa Northern Luzon ay apektado na din nito ang Central Luzon.
Dahil sa Amihan, ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Ilocos, Cordillera Administrative Region at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon ay makararanas ng mahihinang pag-ulan ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw hanggang bukas ay lalakas pa ang Amihan at mararamdan sa Metro Manila.
Samantala, apektado naman ng tail-end ng Cold Front ang Aurora, Marinduque, CALABARZON, Bicol Begion at Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.