Barangay chairman sa Cebu, patay sa pananambang

By Kabie Aenlle November 24, 2017 - 02:18 AM

 

Patay sa pamamaril ang kapitan ng isang barangay sa bayan ng Liloan sa Cebu matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si Felicisimo “Imok” Rupinta na kapitan ng barangay Ermita.

Binaril si Rupinta ng apat na armadong kalalakihan na nakasakay sa dalawang motorsiklo habang nakasakay siya sa kaniyang Isuzu D-Max.

Ayon kay SPO2 Andrew Rellanos ng Liloan police station, minamaneho ni Rupinta ang kaniyang sasakyan, at katabi niya sa passenger seat ang kasama na si Jocelyn Mendoza.

Pauwi na umano si Rupinta mula sa barangay hall nang mangyari ang pananambang.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, dalawang beses na tinamaan sa ulo si Rupinta, at isang beses naman sa dibdib.

Nadala pa sa Mendero Medical Center si Rupinta kung saan sinubukan pa siyang malapatan ng lunas ngunit siya rin ay nasawi.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ang mga pulis upang mahanap at masukol ang mga suspek.

Si Rupinta ay kabilang sa mga lokal na opisyal ng Barangay Ermita na nasuspinde ng anim na buwan mula noong Pebrero dahil sa hindi umano pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang raid noong nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.