Reappointment ng 2 opisyal sa BOC, ipinagtanggol ng Palasyo

By Kabie Aenlle November 24, 2017 - 02:36 AM

 

Dinipensahan ng Palasyo ang reappointment kina Deputy Commissioners Ariel Nepomuceno at Teddy Raval sa Bureau of Customs (BOC).

Sina Nepomuceno at Raval ay kabilang sa mga binanggit ni Sen. Panfilo Lacson sa kaniyang privilege speech kaugnay ng matinding katiwalian sa Customs kung saan tumatanggap umano ng mga suhol ang mga opisyal para mapabilis ang pag-release sa mga kargamento.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, na-reappoint ang dalawa dahil nagsagawa ng masinsinang imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso, Department of Justice (DOJ) at maging ang Malacañang.

Malamang aniya ay nadiskubre na walang kinalaman ang dalawang nasabing opisyal sa kontrobersyal na pagkakapuslit sa bansa ng smuggled na shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon.

Ibinalik kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nepomuceno noong November 8, tatlong buwan matapos siyang maghain ng courtesy resignation.

Ginawa ito ni Nepomuceno upang mabigyan ng pagkakataon ang bagong hepe ng BOC na si Isidro Lapena na makapili ng pinagkakatiwalaan nitong appointee para sa kaniyang posisyon.

Samantala, si Raval naman ay na-reappoint nitong nakaraang buwan lamang.

Ilang nasangkot na opisyal ng BOC din ang nakabalik na sa pamahalaan tulad na lamang ng mga dating mutineers na sina Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo na ngayon ay nasa Department of Transportation na matapos mag-resign sa BOC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.