Duterte sinisi ng NDFP sa pagkabigo ng mga reporma sa gobyerno
Isinisi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kabiguang tugunan ang social and economic reforms na ipinangako nito noong halalan.
Ipinahayag ng NDFP na kinansela ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo kung kailan may mga panibagong pag-usad sa pagbuo ng mga kasunduan para sa reporma.
Ayon sa NDFP, bago pa man ang kanselasyon ng peace talks, may binalangkas na na mga dokumento ang dalawang panig kaugnay sa agrarian reform and rural development at national industrialization and economic development.
Ipinahayag ng komunuistang grupo ang pagkadismaya sa kinahinatnan ng usapang pangkapayapaan na daan sana tungo sa mga repormang na pakikinabangan ng milyun-milyong Pilipino.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng grupo na umaasa sila na bahagi lamang ng “rant” o init ng pangulo ang kanyang mga pahayag at muli itong magdedesisyon na bumalik sa negotiating table.
Noong Miyerkules, inanunsyo ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang termination ng peace talks ng gobyerno sa Comminist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Ito ay sa gitna aniya ng karahasang isinasagawa ng mga komunistang rebelde sa iba’t ibang bahagi nmg bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.