Riot sa Bilibid dahil sa droga dalawa ang patay

By Rohanisa Abbas November 23, 2017 - 04:12 PM

Inquirer photo

Tikom ang bibig ng Department of Justice ukol sa riot na naganap sa New Bilibid Prison.

Isiniwalat ni Magdalo Representative Gary Alejano na sumiklab ang isang riot sa Maximum Security Compound ng NBP kung saan dalawang preso ang namatay habang 12 ang sugatan.

Wala pang kumpirmasyon ang DOJ ukol dito.

Gayunman, ayon sa source ng Inquirer, ang tinutukoy ni Alejano ay ang riot na sumiklab noong Sabado at Linggo sa Maximum Security Compound.

Nagsimula umano ito sa awayan ng Sputnik Gang at Batang Cebu na nag-ugat umano sa droga.

Rumesponde ang apat na myembro ng SWAT sa kaguluhan, ngunit itinulak sa gilid ang dalawa sa mga ito.

Ayon sa source, sinubukan ng isa sa mga ito na magpaputok ng warning shot, ngunit kinuyog siya ng mga bilanggo.

Kalaunan, tinamaan ng bala ang umatake sa pulis at sugatan naman ang ilan pang preso.

Nagkaroon ng spillover ang riot noong Linggo at umabot sa Medium Security Compound ito.

TAGS: magdalo, NBP, riot, magdalo, NBP, riot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.