Malabong iendorso ni Pangulong Noynoy Aquino si Vice President Jejomar Binay bilang presidentiable sa 2016 elections.
Reaksyon ito ng palasyo sa pahayag ni VP Binay na umaasa pa rin siya na makukuha ang endorsement ni PNoy para sa pampanguluhang halalan.
Ayon kay Presidential spokesman Secretary Edwin Lacierda, naihayag na ni Pangulong Aquino ang mga katangian na dapat taglayin ng ieendorso niya sa eleksyon.
Ang hinahanap aniya ng Pangulo na isasabak sa halalan ay ang taong may kakayahang ipagpatuloy ang mga nasimulan niyang reporma sa bansa.
Matatandaan naman na sa mga nakaraang pahayag ni Lacierda ay tila ineendorso naman nito si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas matapos na banggitin ang mga mabubuting katangian ng kalihim.
Pero sa huli ay sinabi pa rin naman ni Lacierda na dapat ay abangan na lamang ang magiging anunsyo ni Pangulong Aquino ukol dito pagkatapos ng kanyang huling State Of the Nation Address (SONA).
Matatandaang sa pagharap ni VP Binay sa isang media forum, inihayag nito na patuloy siyang umaasa na ieendorso ng Pangulo para sa 2016 Presidential elections/ Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.