Anti-drug ops, ibabalik ni Pangulong Duterte sa PNP

By Jay Dones November 23, 2017 - 12:23 AM

 

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa Philippine National Police ang pangunguna sa giyera kontra droga ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo ng Army sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija, ipinaliwanag ng pangulo na sadyang kailangan ang PNP sa kampanya kontra droga.

Mahalaga aniyang magiba nang todo ang mga sindikato at organized crime na nag-ooperate ng bentahan ng shabu sa bansa upang hindi na ito muling kumalat pa.

“As of now, just to parry, nilagay ko sa PDEA. Whether I like it or not, I have to return that power to the police because surely it will increase the activity,” ayon sa pangulo.

Sa ngayon aniya, ang PDEA muna ang nangunguna sa anti-drug operations ngunit kalaunan ay kailangang ibalik ito sa pulisya.

Malaki aniya ang posibilidad na hindi kayanin ng PDEA na tuluyang sugpuin ang problema sa droga ng bansa dahil sa kakaunti lamang ang personnel nito.

Sa kasalukuyan, nasa 2,000 lamang ang tauhan ng PDEA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.