Wala pang apektadong Pinoy sa lindol sa Chile ayon sa DFA
Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa mga Pilipinong nasaktan o nadamay sa naganap na 8.3 magnitude na lindol sa Chile.
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring Pilipinong naitatala na nadamay sa nasabing insidente.
Tinatayang nasa 300 mga Pilipino ang naninirahan ngayon sa bansang Chile.
Inabisuhan naman agad ng embahada ng bansa sa Chile na maging handa sa mga posibleng mangyari.
Wala naman umanong naiulat na may nasaktan sa mga Pinoy workers sa Santiago ngunit pinaalerto lamang sila.
Maganda rin naman aniya ang koordinasyon ng embahada at ang kanilang ugnayan sa iba pang OFWs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.