OFW’s sa Lebanon, naghahanda sa posibleng gulo sa pagitan ng Saudi Arabia at Lebanon

By Justinne Punsalang November 22, 2017 - 12:26 AM

 

Naghahanda na ang mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Lebanon dahil sa gulong posibleng magsimula dahil sa tensyon sa pagitan ng mga bansang Saudi Arabia at Lebanon.

Ilan sa mga OFWs sa lugar ay may plano nang lumikas sakaling lumala ang sitwasyon, habang ang iba naman ay hindi nababahala.

Ayon sa mga OFWs sa Lebanon, ilang taon nang may mga nakakalat na checkpoints sa bansa. Sa ngayon anila, mukha namang normal ang sitwasyon sa lugar pero pinag-iingat sila ng kanilang mga employers sa paglabas-labas para makaiwas sa anumang gulo.

Nananalangin na lamang ang mga OFW na hindi na magkagulo ang dalawang bansa para magpatuloy ang kanilang pagtatrabaho sa Lebanon.

Matatandaang inakusahan ng Saudi ang Lebanon na nagdeklara ng giyera laban sa kanila dahil sa patuloy na agresyon ng ‘Hizbollah’ na isang Lebanese Shiite group.

Nagpaabot na rin ng pagkabahala si United Nations Secretary-General Antonio Guterres dahil sa naturang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.