Independent probe sa problema sa MRT 3 iginiit sa Kamara
Hinikayat ni House Committee on Mertro Manila Development Winston Castelo ang pamahalaan na magtatag ng isang independent body na magsisiyasat sa operasyon ng MRT 3.
Sakop ng itatayong grupo ang pagsisyasat sa integridad ng sistema ng MRT 3, kaligtasan at ang maintenance ng mga pasilidad nito.
Susuriin din nito ang performance ng mga opisyal at mga empleyado ng MRT para matiyak kung epektibo ang mga ito.
Iginiit nito na upang hindi lumala ang sitwasyon kailangang maagapan ang problema sa nasabing train system upang hindi humantong sa mas malalang trahedya.
Paliwanag ni Castelo, ang mga kapalpakan sa operasyon ng MRT at hindi lamang dulot ng maintenance nito bagkus resulta ito ng negligence, katiwalian at kawalan ng concern sa mga pasahero ng mga opisyal at empleyado nito kasama na ang mga contractors at suppliers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.