Tatlong weather system, maghahatid ng pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2017 - 06:29 AM

Bagaman walang bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), tatlong weather system naman ang binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, tail-end ng cold front ang nakaaapekto sa eastern section ng Northern at Central Luzon.

Maghahatid ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.

Northeast Monsoon naman ang umiiral sa Northern Luzon na maghahatid ng isolated at mahinang ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Habang extension ng LPA na nasa labas ng bansa ang maghahatid ng light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa buong Mindanao.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, localized thunderstorms lamang ang iiral na magdudulot ng isolated na mga pag-ulan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Northeast monsoon, Pagasa, Philippine weather, Radyo Inquirer, tail-end of cold front, weather, weather update, Northeast monsoon, Pagasa, Philippine weather, Radyo Inquirer, tail-end of cold front, weather, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.