North Korea ibabalik sa ‘state sponsors of terrorism list’ ng US
Ibabalik na ng Amerika ang North Korea sa listahan ng ‘state sponsors of terrorism’ o mga bansang nagkakanlong ng terorismo.
Mismong si US President Donald Trump ang nag-anunsyo ng hakbang kasabay ng pagpupulong sa kanyang mga miyembro ng Gabinete sa White House.
Bunsod nito, maglalatag na ng panibagong ‘sanctions’ ang Amerika laban sa North Korea sa pangunguna ng Treasury Department.
Dagdag pa ni Trump, ang pagturing muli sa North Korea bilang state sponsors of terrorism ay dapat ay noon pa ginawa ng Estados Unidos.
Taong 2008 nang tanggalin ni dating US President George Bush ang North Korea sa naturang listahan.
Matatandaang ilang buwan nang mataas ang tensyon sa Korean Peninsula dahil sa pagpapalakas ng nuclear program ng North Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.