DOJ-DOE Task Force hiniling na buhayin upang imbestigahan ang sunod-sunod na oil price increase

By Jay Dones November 21, 2017 - 01:37 AM

 

Nanawagan ang Department of Energy sa Department of Justice na muli nitong buhayin ang task force ng dalawang Kagawaran upang silipin ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa liham na ipinadala ni Energy Secretary Alfonso Cusi kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, isinasaad ang kahalagahan ng muling pagbuhay ng DOE-DOJ Task Force.

Ito anila ang mangunguna sa pagsilip kung lehitimo ang mga nakaraang fuel price increase ng mga oil companies.

Partikular na sisilipin ng Task Force kung nagkakaroon ng cartelization at predatory pricing sa hanay ng mga oil companies dahil sa sunud-sunod at magkakaparehong presyo ng kanilang mga dagdag-singil sa produktong petrolyo.

Ang DOE-DOJ Task Force ang naatasan sa ilalim ng batas na mag-imbestiga at magpatupad ng kaukulang parusa sa mga oil companies na mapapatunayang lumalabag sa Oil Deregulation Act of 1998.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.