DepEd nabiktima ng “walang pasok advisory” sa Facebook

By Angellic Jordan November 20, 2017 - 04:31 PM

Inquirer file photo

Nilinaw ng Department of Education na wala silang anumang inilalabas na anunsyo kaugnay sa suspensyon ng klase sa pamamagitan ng social media.

Ito ay kaugnay sa kumakalat na anunsiyo ng suspensyon ng klase sa November 23, 24 at 27 sa “Walang Pasok Advisory” Facebook page.

Ayon sa DepEd, hindi konektado ang naturang Facebook page sa ahensiya.

Hinikayat din ng ahensiya ang publiko na maging maingat sa mga kumakalat na maling balita at impomasyon.

Dagdag pa ng kagawaran, kumuha lang ng mga beripikadong impormasyon sa official website at iba’t ibang media accounts ng DepEd.

Inaalam na rin nila kung sino ang nasa likod ng pagpapalakat ng maling mga impormasyon kaugnay sa umano’y suspension ng klase sa mga nabanggit na petsa.

TAGS: deped, facebook page, walang pasok, deped, facebook page, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.