Sec. Aguirre isasama sa senatorial slate ng PDP-Laban

By Den Macaranas November 20, 2017 - 03:41 PM

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kakausapin niya ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte para maisama sa senatorial slate ng administrasyon si Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Sa kanyang talumpati sa 81st founding anniversary ng National Bureau of Investigation ay sinabi ni Alvarez na qualified si Aguirre na maging senador.

Matagal na umanong kasama ang kalihim sa kanyang mga personal na napupusuan bilang bahagi ng senatorial line-up ng PDP-Laban kung saan si Alvarez ang tumatayong Secretary General.

Hindi lang umano napasama sa unang listahan si Aguirre dahil na rin sa pahayag ng pangulo na hindi tatakbo sa alinmang elective position ang kanyang mga miyembro ng gabinete malaiban na lamang kay Sec. Harry Roque na ngayong buwan lang naitalaga bilang presidential spokesman.

Pero dahil malayo pa naman ang2019 midterm election kaya naniniwala ang House Speaker nab aka mabago pa ang posisyon ng pangulo sa isyu.

Kamakailan ay inanunsyo ni Alvarez ang mga kasama sa initial list ng senatorial candidates ng PDP-Laban.

Kinabibilangan ito nina PCO Asec. Mocha Uson, Sec. Harry Roque, Senate President Koko Pimentel, dating MMDA Chairman Francis Tolentino at ang mga kongresista na sina Rudy Fariñas, Geraldine Villaroman, Albee Benitez at Karlo Nograles.

TAGS: aguirre, Alvarez, PDP Laban, Senatorial slate, aguirre, Alvarez, PDP Laban, Senatorial slate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.