7.3 magnitude na lindol, tumama sa New Caledonia; tsunami alert, itinaas
By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2017 - 08:11 AM
Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Loyalty Islands sa New Caledonia.
Naitala ang malakas na pagyanig alas 6:44 ng umaga, oras sa Pilipinas.
Ayon sa datos ng USGS, may lalim ng 25 kilometers ang lindol.
Dahil sa malakas na lindol, nagpalabas ng tsunami alert ang US National Weather Service sa coastal areas ng New Caledonia at Vanuatu.
Sa abiso naman ng PHIVOLCS, hindi magdudulot ng tsunami sa mga baybayin ng Pilipinas ang nasabing lindol sa New Caledonia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.