P1.4-B pondo para sa drug war, gamitin na lang sa anti-terror campaign-Dela Rosa

By Justinne Punsalang November 20, 2017 - 12:00 AM

 

Nais ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na gamitin sa anti-terrorism campaign ng pamahalaan ang P1.4 bilyong pondong origihinal na nakalaan para sa drug war.

Ani Dela Rosa, mas kailangan ngayon ng mga mamamayan ang maayos at ligtas na komunidad kaya naman iminungkahi niyang ilaan sa anti-terrorism campaign ang naturang pondo.

Matatandaang naudlot ang pagbibigay ng P1.4 bilyong pondo para sa kampanya laban sa iligal na droga matapos itong ilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kaya naman nagkaroon ng kanya-kanyang suhestyon ang mga senador kung saang alternatibong proyekto na lamang ilalaan ang pondo.

Sa kabilang banda, nais pa rin ni Dela Rosa na maging intact ang naturang pondo sakaling muling ibalik sa PNP ang pagsugpo sa problema sa iligal na droga sa bansa.

Matatandaang nagpahiwatig na ang Pangulo sa posibilidad na ibalik ang drug war sa kapulisan kung lalala ang problema sa droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.