3 malalakas na lindol, naitala sa New Caledonia sa loob lang ng 9 na oras

By Justinne Punsalang, Rhommel Balasbas November 20, 2017 - 02:58 AM

 

Naitala ang tatlong may kalakasang paglindol sa bahagi ng Loyalty Islands, New Caledonia mula kagabi sa loob lamang ng siyam na oras.

Batay sa impormasyon mula sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang magnitude 6.4 na pagyanig 9:25 (UTC Coodinated Universal Time) ng umaga sa naturang lugar.

Naitala ang episentro nito sa layong 74 kilometro mula Silangan ng Tadine, New Caledonia at may lalim na 25.3 kilometro.

Sinundan naman ito ng Magnitude 6.6 na pagyanig na naitala wala pang anim na oras matapos ang naunang paglindol.

Ang episentro ay naitala sa layong 67 kilometro mula pa rin sa Silangan ng Tadine, New Caledonia at may lalim na 20.7 kilometro.

Ang huling pagyanig naman ay may lakas na magnitude 5.9 sa layong 78 kilometro mula Silangan Hilagang Silangan ng Tadine at may layong 10 kilometro.

Ayon naman sa Pacific Tsunami Warning Center, walang inaasahang Pacific-wide tsunami na idudulot ang lindol.

Wala ring nakataas na tsunami threat sa Hawaii.

Naglabas din ang Philippine Institute of Volcanology ans Seismology o Phivolcs ng ‘No Tsunami Threat’ Advisory sa Pilipinas kaugnay ng naturang mga pagyanig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.