Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Maricaban, Pasay City, dakong alas 7:45, Linggo ng gabi.
Agad na iniakyat sa third alarm ang naturang sunog na sumiklab sa hilera ng mga bahay sa St. Jude Santos St..
Kanya-kanyang bitbit ng kanilang mga gamit ang mga residente na nakatira malapit sa pinagmulan ng sunog.
Nagpapatuloy ang pagsusumikap ng mga kagawad ng pamatay-sunog na apulain ang apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.