Drilon, umaasahang hindi ibabalik sa PNP ang pamumuno sa war on drugs

By Mariel Cruz November 19, 2017 - 04:26 PM

 

Umaasa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National ang pamumuno sa war on drugs.

Sa isang panayam, sinabi ni Drilon na malinaw sa batas na ang pagsugpo sa iligal na droga ay nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Una nang sinabi ni Duterte na sakaling patuloy ang paglala ng problema ng bansa sa iligal na droga ay ibabalik niya sa PNP ang pamumuno sa war on drugs.

Noong Enero, inalis ng pangulo sa PNP ang pamumuno sa kampanya ng pamahalaan kontra droga kasunog ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.

Pero makalipas ang isang buwan ay ibinalik din ni Duterte sa PNP ang war on drugs.

Noong nakaraang buwan, muling ipinag-utos ni Duterte sa PNP na itigil na ang kanilang mga anti-drugs operation at ibinigay sa PDEA sa pamumuno sa drug war kasunod ng pagkakapatay sa mga menor de edad, kabilang na si Kian

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.