Medical intern na tumulong sa pasahero ng MRT na naputulan ng braso, gagawaran ng pagkilala

By Mariel Cruz November 19, 2017 - 09:59 AM

FB post | Kabayan partylist

Bibigyan ng Kabayan partylist group ng parangal ang post-graduate medical intern na nagsagawa ng first aid sa babaeng pasahero ng MRT 3 na naputulan ng kanang braso.

Sa isang abiso, sinabi ng Kabayan na gagawaran nila ng “Kabayan Bayani Award” ang medical intern na si Charleanne Jandic sa isang special ceremony na gaganapin sa Ayala Southpark, Alabang, Muntinlupa ngayong tanghali.

Kinumpirma na aniya ni Jandic ang kanyang pagdalo sa seremonya.

Si Jandic ay nasa MRT 3 Ayala Station nang mahulog si Angeline Fernando sa riles na naging dahilan ng pagkakaputol ng kanyang kanang braso matapos maipit sa pagitan ng dalawang bagon.

Agad na nagsagawa ng first aid si Jandic sa biktima bago isugod sa Makati Medical Center, kung saan naibalik naman ang kanang braso matapos ang isang operasyon.

Ayon kay Jandic, ginawa niya lamang kung ano ang dapat gawin bilang isang “physician-in-training”.

Sinabi naman ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo na dapat i-commend ng Department of Transportation o ng pamunuan ng MRT-3 ang mga indibiduwal na tumulong kay Fernando.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.