Ormoc City, idineklarang drug-free ng PDEA

By Justinne Punsalang November 19, 2017 - 04:07 AM

Idineklarang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Ormoc City na dating tinaguriang drug capital ng Eastern Visayas.

Ipinamahagi ni PDEA officer Cleveland Villamor, ang mga certificate sa 28 barangay na pumasa sa pamantayan ng kagawaran at nagsasabing walang illegal drug trade, user, at pusher sa lugar.

Una nang idineklarang drug free ang 82 barangay sa lungsod.

Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, ngayong drug-free na ang kanilang lungsod, ang susunod naman nilang kailangang gawin ay panatilihin ang naturang estado.

Aniya, simula nang siya ay maluklok sa pwesto ay marami ang sumukong drug suspects. Kabilang dito ang nasa 1,000 na sinabing natatakot sila sa kanyang anti-drug campaign, lalo na’t kilala siyang kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa huling city address ni Gomez, sinabi niyang bumaba ang bilang ng krimen nang maging alkalde siya ng lungsod. Aniya, tatlong murder cases at walong pagnanakaw lamang ang naitala sa kanyang panunungkulan.

Sa ngayon, pawang mga lalawigan pa lamang ng Batanes at Romblon ang idineklarang drug-free provinces ng PDEA.

TAGS: eastern visayas, Ormoc City declared drug-free, PDEA, eastern visayas, Ormoc City declared drug-free, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.