Turismo, gumanda dahil sa ASEAN Summit

By Justinne Punsalang November 19, 2017 - 01:19 AM

Kumpyansa ang Department of Tourism (DOT) na aabot sa 7 milyong turista ang papasok sa bansa na siyang target ng kagawaran para sa kasalukuyang taon.

Ito ang naging pahayag ni DOT Assistant Secretary Frederick Alegre matapos mag-host ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Aniya, sa huling tala noong Agosto ay nasa 4.5 milyong turista na ang nakapasok sa bansa. Habang 11 porsyento naman ang itinataas sa tourist arrival ng Pilipinas kada buwan, kung ikukumpara noong 2016.

Dagdag pa ng kalihim, malaking tulong ang pagbisita ng mga banyagang delegado mula sa Southeast Asia at iba pang mga dialogue partner countries sa pagdagsa ng turista sa bansa.

Simula pa noong Enero ay umabot na aniya sa 100,000 katao ang bumisita sa bansa na may kaugnayan sa ASEAN.

At bagaman tapos na ang ASEAN Summit ay mayroong ilang mga foreign delegates na nag-extend ng kanilang pamamalagi sa bansa para puntahan ang ilang mga tourist destinations kagaya sa Baguio, Bohol, at Pampanga.

Matatandaang noong nakaraang taon ay umabot lamang ng 5.97 milyong turista ang pumasok sa bansa.

TAGS: Asean summit, Department of Tourism, PH Tourism, Asean summit, Department of Tourism, PH Tourism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.