North Korea tuloy ang nuclear program sa kabila ng banta ng U.S

By Den Macaranas November 18, 2017 - 02:39 PM

AP

Tuluyan nang ibinasura ng North Korea ang anumang negosasyon kaugnay sa pagpapatigil sa kanilang nuclear program.

Sinabi ni Ambassador Han Tae Song na siyang kinatawan ng North Korea sa United Nations na malabong mapagbigyan ang anumang uri ng negosasyon sa puntong ito.

Isa umano sa dahilan ay ang tuluy-tuloy na war exercise sa pagitan ng U.S at ng South Korea.

Sinabi pa ng North Korean official na wala siyang natatanggap na anumang utos para sa negosasyon mula kay North Korean President Kim Jong-un.

Hindi rin umano matutuloy ang anumang pagsasagawa ng bilateral talks sa pagitan ng dalawang Korea hangga’t nakikialam ang U.S sa isyu.

Nauna nang sinabi ng U.S at South Korea na nakahanda silang makipag-usap sa mga kinatawan ng NoKor para maiwasan ang tensyon sa Korean Peninsula.

Ipinaliwanag pa ng opisyal ng North Korea na hindi nila pwedeng bitiwan ang kanilang nuclear program dahil mismong ang U.S ay gusto silang salakayin at kailangan nila ang tamang proteksyon laban sa western forces.

 

Nakahanda rin umano ang North Korea sa mga dagdag na economic sanctions ng U.S sa kanila.

TAGS: Kim Jong un, north korea, nucelar program, south korea, United Nations, Kim Jong un, north korea, nucelar program, south korea, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.