Bato: Drug trade bumalik; rape cases tumaas nang alisin ang PNP sa war on drugs

By Jan Escosio, Rhommel Balasbas November 18, 2017 - 04:48 AM

Ibinahagi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na dumami ang naitatalang insidente ng panggagahasa at bumalik ang drug trade simula nang alisin sila sa war on drugs.

Ngunit agad nilinaw ni Dela Rosa na wala siyang nais pakahulugan sa kanyang pahayag.

Wala naman datos na naipakita ang hepe ng pambansang pulisya para suportahan ang pahayag niyang ito.

Ipinaliwanag naman niya na ang mga wanted persons kasama na ang mga rapists ay nagtago nang ipatupad nila ang kampanya kontra droga at ngayong wala na sila sa eksena ay nagsulputan na muli ang mga ito.

Nabanggit ni Dela Rosa ang kaso ng 22-anyos na bank employee na ginahasa, pinatay at sinunog sa isang parking compound ng bus sa Pasig.

Anya, walang tao na nasa katinuan ang manggagahasa, papatay at manununog sa isang babae kung hindi ito lulong sa droga.

Dagdag pa ng hepe ng PNP, wala nang sensationalized rape cases ang naitala simula nang ikasa ng PNP ang Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel maliban sa panggagahasa at pagpatay sa isang 5-taong gulang na bata sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Hulyo.

Samantala, sinabi pa ni Dela Rosa na hihintayin na lang niya ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kung muling pangungunahan ng PNP ang war on drugs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.