Debate sa pagbibigay ng emergency powers kay Duterte, itutuloy na ng Senado

By Kabie Aenlle November 18, 2017 - 04:46 AM

Muli nang isasalang ng Senado sa deliberasyon ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolbahan ang tumitinding problema sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Majority Leader Sen. Vicente Sotto III, posibleng matapos ang panahon ng debate tungkol sa Senate Bill 1284 o ang Traffic and Congestion Crisis Act sa December 15.

Natengga na kasi ang nasabing panukala mula nang i-sponsor ito ni Sen. Grace Poe para maaprubahan sa ikalawang pagbasa.

Lumutang ang muling pagsalang ng panukala sa deliberasyon dahil sa sunud-sunod na aberyang nararanasan ng mga pasahero sa MRT-3, na sinasabayan pa ng matinding trapiko sa mga pangunahing lansangan.

Samantala, kabilang si Sen. Gregorio Honasan sa mga naniniwalang kailangan na talagang mabigyan ang pangulo ng emergency powers upang malapatan na ng solusyon ang lumalalang suliranin sa lalong madaling panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.