Palasyo, iginiit na walang alok na special treatment sa mga Russian drug suspects

By Kabie Aenlle November 17, 2017 - 03:57 AM

 

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi special treatment ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailagay sa maayos na tuluyan ang dalawang Russian drug suspects na hawak ng mga otoridad ng bansa ngayon, at na mabigyan ang mga ito ng patas na paglilitis.

Ayon kay Roque, hindi dapat kwestyunin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pahayag na ito ng pangulo at dapat, maging patas din ito.

Giit ni Roque, ang maituturing na special treatment ay ang pagkakaroon ng sariling kulungan nina Sen. Leila de Lima sa halip na maditine sa Muntinlupa City Jail, at US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nakakulong naman sa Camp Aguinaldo.

Aniya, kung ito ang igigiit ng CHR na dapat nasa city jail lang ang mga drug suspects habang dinidinig ang kanilang kaso, dapat ay applicable din ito sa mga taong tulad ni De Lima.

Dagdag pa ni Roque, nasa kapangyarihan ito ni Duterte bilang presidente at na ito ay legal naman.

Katwiran ng tagapagsalita, ginagawa lang ito ni Duterte upang lalong mapalapit ang relasyon ng Pilipinas sa Russia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.