Pagtaas sa growth rate ng Pilipinas, good news para sa bansa-Roque

By Jay Dones November 17, 2017 - 04:03 AM

 

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang ang balitang umakyat sa 6.9 percent growth rate ng ekonomiya ng bansa sa third quarter ng taong 2017.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ‘good news’ ang naturang balita na nagpapatunay na epektibo ang tinatahak na direksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyon.

Paliwanag nito, ang tinatamasang economic growth ay dulot ng pagiging ‘stable’ ng bansa sa kasalukuyan na dahilan upang lumakas ang tiwala ng mga investor sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ang 6.9 percent na growth rate ng gross domestic product sa third quarter ay mas mataas sa 6.7 percent na natamasa nito noong second quarter.

Dahil dito, pumapangalawa ang Pilipinas ngayon bilang fastest-growing economy sa Asya, kung saan nauuna ang ekonomiya ng Vietnam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.